Epekto ng Cellphones
Marami na ngayon ang mga makabagong
teknolohiya ang naiimbento. May dalawang epekto ang makabagong teknolohiya
ngayon. Ito ay ang positibo at negatibong epekto. Positibong epekto dahil
nagdudulot ito ng mabuti sa ating emosyonal at sosyal. Negatibong epekto rin
dahil nagdudulot ito ng kasamaan sa ating katawan. Isa sa mga halimbawa ng
makabagong teknolohiya ngayon ay ang cellphones.
Ang positibong dulot ng cellphones
ay napapadali nito ang ating pakikikomunikasyon sa ating mga mahal sa buhay.
Lalo na kung sila ay nasa malalayong lugar dahil dito nasasabiu agad natin ang
mga mahahalagang pangyayari na biglaan na dapat nlang malaman. Lalo na kung
kalian ng kanilang tulong. Dahil dito napapasaya tayo lalo na kung ang nagtext
sa atin ay ang ating napakaespesyal na tao sa ating buhay. Marami pang
positibong epekto dulot ng paggamit ng cellphones. Sa kabila ng mga positibong
epekto ng paggamit ng cellphones ay nagdudulot rin ito ng mga negatibong
epekto. Isa na rito ay ang pagkalulong ng mga kabataan at labis na paggamit
nito ay nagdudulot ng masamang epekto lalong-lalo na sa ating katawan.
Natutunan rin ng mga kabataan ang paggamit ng mga acronym na hindi angkop
lalong-lalo na sa mga estudyante dahil maaari niya itong madala sa kanyang pag-aaral.
Ito rin naging hadlang ng ibang
estudyante s akanilang kinabukasan . Dahil dito hindi na sila makapokus sa
kanilang pag-aaral.
Kaya dapat nating ilagay sa tamang
oras ang pagamit ng makbagong teknolihiya. Iwasan ang paggamit ng mga ito at
lagging isa-isip na kahit pa na nakakapagpadali ito sa ating pang araw-araw na
pamumuhay ay mayroon din itong katumbas na masamang epekto.